Nung nandito pa si Mama.. Nung kumpleto pa ang pamilya...
Katabi ko matulog lagi si Mama. Kapag naaalimpungatan ako sa gabi, gigisingin ko sya para samahan akong punuta sa banyo. Gigising sya ng maaga para magluto gn breakfast. Gigisingin lang ako nun pagkatapos nya magluto. Reklamo pa kong babangon non at uupo sa may hapag-kainan para uminom ng gatas. Pagkatalikod ni Mama, unti-unti kong ibubuhos yung gatas sa lababo.Tapos maliligo na ko... Pagkatapos kong maligo, nakahanda ng ang mga gamit ko pati ang susuutin ko. Hindi ko nakakalimutan ang id ko kasi madalas sya ang nagpapaalala sakin. Maya-maya maghihintay na lang ako sa service ko at papasok na sa school.
Pagkauwi ko, hindi ko pa naabutan si Mama. Si Papa ang kadalasang nasa bahay. Magluluto ng dinner si Papa, at habang nagluluto sya, yun naman ang oras ko para gumawa ng homework.. at maya-maya ay dadating na si Mama. Kahit pagod si Mama galing work, nandyan pa rin sya para makinig sa mga kwento ko...sa mga kwento tungkol sa nangyari sa school ko. Tapos maya-maya, matutulog na kami.
Laging masarap ang luto..
Laging may umaalalay sakin..
Madalas hindi ako nag-iisa..
Madalas akong napapagalitan dahil sa kapalpakan ko..
Nag-aaway kami ni kuya..
Hindi kami nagpapansinan ni Papa..
Lagi kong kakulitan si Mama..
Laging malinis ang bahay..
Hindi pwedeng makakita ng kahit anong nakakalat sa bahay..
Wala kong masyadong pera.
Nung umalis na si Mama, nung si Papa na lang ang lagi naming kasama sa bahay...
Mag-isa na lang ako sa kwarto.. Hindi kami close ng Dad ko kaya gumawa ko ng paraan para makalayo sa kanya.. Tumira ako sa kumbento.. 6 months din ako nandun tapos, bumalik din sa amin.
Kapag umaga, sya na ang nagluluto ng breakfast.. Kalabog sa pinto ang lagi niyang panggising sa akin.. Wala nang gatas sa umaga.. Pero nagsasangag si Papa. Hindi pumapalya ang araw nun ng walang breakfast. Kelangan bago pumasok, nakakain na ng breakfast. Tapos, maya-maya aalis na si Papa..Madalas nakakalimutan ko yung ID ko kasi hindi na ko napapaalalahanan. Ang ginagawa ko, nilalagay ko na lang palagi sa bag. Si kuya na lang ang madalas ka kwentuhan ko sa bahay.. Minsan na lang pala kasi lagi syang wala at nagbabasketball. Hindi ko makausap si Papa.Kasi hindi pa rin kami naging close.
Masarap pa rin ang luto. Pero kakaiba pa rin ang luto ni Mama.
Konting alalay na lang natatanggap ko.. Parang unti-unti akong bumabagsak..
Kasama ko sila sa bahay pero parang mag-isa lang ako. May kanya-kanya kaming mundo.
Hindi nagsasalita si Papa kapag may kapalpakan akong nagagawa. AUTOMATIC bawas ang allowance ko.
Wala akong kakulitan kundi yung mga nagiging tuta namin na hindi rin nagtatagal at namamatay.
Medyo hindi na ganun kalinis ang bahay. Nagtatagal ang kalat pero maya-maya nililinis na rin.
Kahit papano, maganda ang allowance ko.
Nung umalis na si Papa.. Si Kuya na lang ang madalas kong kasama sa bahay..
Ang gising ko, hindi na normal.. Uuwi ako minsan pagkagaling ko sa gym o kaya naman kapag hindi ako nakakapunta sa gym laging may groupwork kaya malad gabi na ko nakakauwi. Hindi na ko nakakpagdinner kasi pagod na pagod ako so derecho tulog na ko. Gigising ako ng madaling araw para magluto ng breakfast namin ni kuya.
Ganun lang ng ganun..
Madalas prito lang ang luto. Madalas walang luto kasi tinatamad na. O kaya naman, sa labas na kumakain.
Kahit papano, nakaalalay pa rin kuya ko, pero most of the time sarili ko lang inaasahan ko..
may kanya-kanya kaming routine. Parehong busy.
WAla lang kahit magkamali.
Sa internet lang ako nakababad.. kakulitan ko na si mama pero sa chat na lang.
Makalat sa bahay... Maglilinis lang kapag may bisita.
Malaki-laki ang natatanggap kong allowance. Nakakpag-ipon ako, pero mahirap pa rin mag budget.
Wala na si Kuya. Dahil sa studies nya, hindi na sya dito nakatira. Minsanan na lang ang uwi niya..Mag-isa na lang ako...
Gigising ako 45 mins before ng class ko. Hindi na ko nakakapagbreakfast madalas. Kakain na lang ako sa canteen tapos yun na. Uuwi ako mag-gygym o aattend ng meeting. Pagdating sa bahay, kung anong ulam kahapon na naka freeze sa ref iinitin ko na lang. O kaya minsan, nakakalimutan kong kumain(pwede pala yun).
Madalas wala nang luto.
Mag-isa na lang talaga ko.
Ako lang ang mahihirapan kapag nagkamali ako...
Ganun pa rin kulitan kami ni mama sa internet.
Hindi na masyadong nalilinis ang bahay. Lingguhan na lang.
Mas malaki-laki ang allowance ko.
Mas malungkot ako..
Kadalasan nagkakasakit ako, hindi nila alam..
Gusto ko nang makagraduate..

At pagkagraduate ko, bubuuin ko ulit ang pamilya ko

Kung mababalik ko lang yung dati.. Sana bawat gatas na tinitimpla para sakin ni Mama, iniinom ko kahit sawang sawa na ko.. sana Nakangiti akong sasalubong sa kanya pagkauwi nya at kwento nya naman ang pakikinggan ko.. Sana nagrequest pa ko ng maraming family outings twing linggo.
Hindi ko namamalayan, ang bilis pala ng oras. Kung kamakailan lang, nagclebrate ako ng 12th birthday ko, malapit na pala kong magcelebrate ng 20th birthday ko at pagdating nun,hindi na ko teenpager (unless ipilit ko yung twenteenth

).
Nakakaiyak alalahanin yung dati. Parang kelan lang, nandyan pa sila, halos pagsawaan mong kasama. Pero ngayon na magkakalayo na kayo, gusto mo namang ibalik yung dati dahil miss mo na sila.
Hindi ko alam pano tatapusin ang entry na to..
panoorin nyo na lang ang video na to, baka maiyak din kayo.
Christian the lion
Chatboard (0)